Schizophrenia

1029 Words
[Aezelle's POV] Napatunganga ako at hawak-hawak pa rin ang box kung saan naroroon ang dress na rerentahan ko sana. Binili niya? Para sa akin? Si Uno Navarro? Ang crush ko? Hindi ba 'to panaginip? Am I having schizophrenia? "Are you deaf or what?!" "H-heto na, heto na." Dali-dali naman akong umakyat pabalik sa room dahil sa nakakagulat niyang sigaw. Si Mr. Chavez ay napasilip din mula sa kanyang kwarto dahil sa sigaw ni Uno. . "A-alis tayo diba?" tanong ko matapos kong makapagbihis. Napalunok ako nung pinasadahan niya ako ng seryosong tingin. I know I don't look bad in a grape coloured retro a-line pin up rockabilly dress. "Yeah... you look funny," he grinned and I rolled my eyes. Of course he had seen models and made-out with famous girls. A girl like me is just... an ordinary, boring one. "Saan ka? Akala ko aalis tayo?" "Magbibihis lang ako. Teka, marunong kang mag-drive diba?" Napataas ang kilay ko sa tanong niya. Ganun na ba ako ka-invisible? I'm his f*****g neighbor. "Oo naman. Ano yung sasakyan ko sa labas? Display?" "Madami kang sinasabi, heto!" "Aray!" Napadaing ako. Ba't panay kasi hagis niya? Ayan tuloy, natamaan ang mukha ko sa susi niyang hinagis. Akala ko utak ko lang ang lumilipad, tss. "Wait me inside my car," bilin niya at tumalikod na. Napadila ako sa sariling labi nung hinubad na niya ang kanyang shirt para simulan ang pagbibihis. "Hoy! Ano na?! Don't tell me you're gonna watch me change." "O-oy, kapals mo ah. Bahala ka nga diyan!" . Magpapatingin na talaga ako sa psychiatrist. Nandito na ba talaga ako sa loob ng sports car ni Uno Navarro? Hinawakan ko ang bintana, gear at steering wheel. Napatili ako na totoo nga, i'm in his freaking car! Panay buntong-hininga ko nung nawala na ang excitement ko dahil sa tagal niya. Parang babae naman kung gumalaw. I always hear his sister's yell every weekday mornings. She's always mad at Uno for waking up late until decided to just take the bus than to die in exasperation. Wala akong choice kung hindi ay paandarin ang radio niya. Ayokong buksan ang phone ko. I'm still upset for what happened, but I know i'll calm down tomorrow or before I go to bed. Tess is my only friend, I can't be mad at her. "...Lalambingin at aalagaan. Ikaw lang ang tatabihan sa higaan. 'Di na kukupas ang pagmamahal, kaya pagdating sayo handang sumugal. Kahit 'di pilitin, ayos lang sa'kin. Ikaw ang natatanging bituin. Kung mahulog man ay sasagipin. 'Di ko hahayaang mawala ang iyong ningning. Ikaw ang pangarap na nasa ulap na 'di ko sinukuang abutin~~" "What the heck is that?!" Napasinghap ako at tumigil sa pagkanta sabay patay ng radio. Gulat na gulat ko siyang tiningnan na nakadungaw sa bintana. Narinig niya yun? Oh my gee. "A-ang tagal mo eh hehe" I awkwardly chuckle bago umiwas ng tingin. Pangit ang boses ko... mas pangit pa sa pusang nanganganak. "Buti na lang at hindi nabasag ang mga bintana." Napaismid ako at nakatingin pa rin sa katabi kong bintana habang nararamdaman ko siyang pumasok ng front seat. "May party ba tayong pupuntahan?" Tanong ko. Nakita ko siyang naka-tuxedo at naka-gel ang buhok... he looks hot. "Obviously," kaya pala binili niya ang dress, pero... "Invited ako?!" "Don't question the obvious things. Paandarin mo na." Ngumingiting aso ako bago sinimulan ang makina ng sasakyan. "Saang party pala?" "Welcome party, sa may likod ng SM." Tumango ako. Habang nasa biyahe ay ang awkward. Sobrang tahimik talaga. Na-notice rin siguro ni Uno kaya pinaandar niya ang radio. Familiar sa akin ang sound kaya panay humming ko. "Kasing pangit mo pala ang boses mo," tumawa ito. "Hahaha nice one," sarkastiko akong tumawa. "Hindi ka naman maganda, hindi ka naman sexy tas wala ka pang talent. Seriously? I've never met anyone like you before." Bahagya namang namula ang magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung sa inis ba o sa kilig... maybe both? "I'm just unique." "Yeah, uniquely boring." Umirap ako at mas lalong lumakas pa ang tawa niya. I'm thankful na hindi na naging awakward ang atmosphere. "Saan? Dito ba?" Tanong ko habang nakaturo sa malaking itim na gate na nakabukas. Tumango siya at mula sa gate ay kita ko ang mga mamahaling mga sasakyan na nakaparada sa parking lot. Mga upgraded na at yung iba ay mga latest. Parang yung kotse ko sa dorm ay mahihiya. Sa Lolo ko pa kasi nakuha iyun, bigay niya– hiningi ko pala. "Okay na," anunsyo ko nung nai-park ko na nang maayos ang kotse. Agad akong lumabas at nagulat ako nung makitang nagmamadaling pumunta si Uno sa harapan ko. "What?" I confusedly asked when looked pissed. "I'm supposed to open up the door for you." "G-ganun ba?" "You're unbelievable." Nakapameywang siyang bumuntong-hininga bago ako tinalikuran. Hindi ko naman alam na may dugo pala siyang pagka-gentleman. Wala akong clue na makita eh. "Aezelle!" Nagulat ako nung makita ang mga Summoners. Nagsitakbuhan silang lumapit sa amin ni Uno kaya yung ibang guest ay napapatingin sa amin.. "Hindi ko alam na kasama pala kayo." "Hindi ka ba na-inform ni Uno?" tanong ni Faxton na ikinailing ko. "Hindi rin kami na-inform na isasama ka niya. I mean, we're here for illegal stuffs–" Hindi na naipagpatuloy ni Vance ang kanyang sasabihin nung biglang tinakpan ni Randall ang bibig niya at nagsi-'hush' naman yung iba. "I-illegal? Oy, ano ang plano niyo?" Kinakabahan akong umatras at agad naman silang nataranta. "Hey, hey, just chill. What Vance means is we're here to see new car collection release. It's allegedly illegal cause it's a fresh collection and exclusive." Napatango naman ako sa sinabi ni Kuya Yvo kahit hindi ko naman gets. "Shall we?" Sulpot ni Uno na mukhang naiinip na. "Suplado mo naman, Uno. Konti na lang at baka matalo mo pa ang pagkatuyuin ni Randall," biro ni Tyler na agad na nakatanggap ng batok mula kay Randall. "Relax. Don't mind what the birdy-head said earlier," sabi sa akin ni Kishmar habang nakatingin kay Vance na agad ding napatingin sa amin nung malaman niyang siya yung pinag-uusapan namin. "Ano?!" "Wala!" Sabay na sigaw pabalik namin ni Kishmar at nagtawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD