[Aezelle's POV] Napanguso ako para pigilan ang aking pagngiti habang nakatingin sa kotse ni Uno na dahan-dahan niyang ipinaparada sa aking harapan. "Good morning," nakangiting bati niya sa akin matapos makalabas ng sasakyan niya. "Good morning," bati ko pabalik bago pumasok sa front seat nung pinagbuksan niya ako ng pinto. "Kailan mo ipapaayos ang mga gulong ko?" "Depende." Napakunot ang noo ko na siyang ikinangisi niya. "Hoy, anong depende?" "Hindi mo naman ako boyfriend para magpaayos ng gulong mo, duh." Did I just heard him say 'duh'? "May I just remind you na ikaw yung nag-displace ng mga gulong ko, Mr. Navarro." Makalolokong tumingin siya sa daan habang nagmamaneho. "Really? Nakita mo ba? May ebidensya ka?" Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Sabi mo kagabi–" "I offered to dri

