Clayton’s POV Nagtungo agad ako sa isang town house na naacquire lang ni Dad recently. Pagkapark ng driver ay mabilis akong nagtungo agad sa kwarto ni Dad. Pansin ko agad ang pagiging tulala niya sa hawak niyang cellphone. “Dad, what happen?” Hinawakan ko siya sa balikat. Napabalikwas si Dad at bigla akong hinawakan sa braso ko. “Clayton, you need to go now.” Nanginginig ang boses niya. “Why? Diba sabay tayong aalis?” “Change of plan son. Kronus wants you and I will not let them turn you into their lab rat.” Naintindihan ko ang nais ipahiwatig ni Dad. “Ok dad if that’s what you want but how about you and mom?” “Hindi nila gagalawin ang mommy mo. Haharapin ko si Chairman pero ikaw alam ko na matagal na nilang gustong makuha ka dahil sa kakayahan mo at ang pag

