Adrian p.o.v
Yo everybody this hottest man on earth Adrian Luo.
Well wala lang gusto ko lang mag pabida. Sa totoo lang kanina pa ako may napapansin Kay shawn simula nung matapos ang magandang palabas nung first period. Parang wala sya as sarili, hindi sya mapakali.
Ang conclusion ko nga ay siguro may surot as upuan nya na pumasok sa jeans nya na ngayon ay sinusundot sundot and pwet nya.
Kadiri diba?
Maski ako nadirian sa sinasabi ko eh.
Busy ako sa pag iisip ng may bumatok saakin ng tignan ko kung sino ay si shawn pala.
"Kanina pa kita tinatawag, lunch na halika na" sabi nya.
Ay lunch na pala, pasensya busy ako sa pag kwe-kwento eh.
Shawn p.o.v
Kita sa muka ni adrian ang hindi kaaya ayang expresyon.
Ibig sabihin kung ano ano nalang nanaman ang pumapasok sa utak nito.
"Ano nanaman yang kalokohan na nasa utak mo?"napatingin naman Sya saakin.
"Anong kalokohan? Wala akong kalokohan noh. Hindi ko nga na isip na may surot na sumusundot sundot sa pwet mo eh"
"WHAT THE F*CK"-me
"bwahahahahahaha"-justine
Sabay na reaction namin. At Saan nanamang lupalop ng hangin sa utak nya napulot ang ideang yun.
"Ano nanaman ba yang mga pinag sasabi mo?"tanong ko.
"Laughtrip ka talaga adrian"sabi ni justine na hindi parin tumitigil sa pag tawa.
"Tumigil ka na nga"mahinhon kong sabi kay justine.
"So adrian, bakit mo naman nasabing may surot na sumusundot sundot sa pwet ko ha?"sabi ko. Pero syempre pabulong yung last part.
Nasa hallway kaya kami. Mamaya kung sino pa ang makarinig.
"Eh kasi hindi ka mapakali kanina sa upuan mo kaya yun agad ang pumasok sa utak ko" pangangatwiran nya.
"Adrian, maraming dahilan kung bakit hindi mapakali ang isang tao sa upuan nya. At yun pa talaga ang nasabi mo"hindi ko napigilan ang inis ko. Hayss kung di ko lang talaga kaibigan tong lalaking to.
"Oh oh tama na yan. Nandito na tayo"sabi justine at pumagitna saamin. Tahimik na akong pumasok sa cafeteria. At katulad ng inaasahan maraming mata ang nakasunod saamin.
"Dun tayo" turo ni adrian sa upuan sa may gitna.
Kahit kaylan atensyon seeker talaga to. Wala naman kaming nagawa ni justine kundi umupo duon, kaysa naman mag hanap pa kami diba.
Pag kaupo nag prisinta si justine na sya na ang oorder ng lunch namin sinabi ko nalang ang order ko ganun din si adrian.
Umorder ako ng 1 1/2 cup na kanin at ulam na caldereta at ice tea, si adrian naman ay 1 cup na kanin at Ulan na fish fillet. Mahilig talaga sa isda to.
Ang upuan na napili ko ay yung nakaharap sa may pinto ng cafeteria habang tabi naman si adrian at justine sa harap ko meaning nakatalikod sila sa pinto.
Kaya naman kita ko lahat ng pumapasok at lumalabas duon. At dahil wala pa si justine yun muna ang ginawa kong libangan. Pinapanuod ko ang lahat ng lumalabas at pumapasok sa pinto.
Agad kong napansin ang dalawang lalaki na iba ang uniform na suot. Mukang mga junior high, pero anong ginagawa nila dito sa building ng senior high.
"Sino yung mga yun?" Tanong ko alam ko naman na kilala ni adrian tong mga to. Mas magaling pa kasi sya kaysa sa babae kung sumagap ng balita.
"Ah kampon ni ela"kaswal ma sabi nya habang nakatingin dun sa dalawa.
"Kampon?" Tinaasan ko sya ng kilay dahil dun. Kasi, seryoso kampon talaga?
"Hahaha i mean, under sila ni ela. Mga ka gang mate nya, you see isang gang leader si ela"
Nagulat naman ako sa sinabi nya.
"What seryoso?"tanong ko.
Tinignan naman nya ako ng kaswal lang at parang wala lang ang sinabi nya.
"Oo seryoso. Hindi naman secret yun"
"You mean?"
"I mean hindi yun secret. Maski mga teacher dito alam yun siguro maliban sa mga bago katulad ni miss quinn kaya ang lakas ng loob nyang gawin yung ginawa nya kanina"mahabang sabi nya.
"Wala man lang bang ginawa yung mga teacher?" Kasi kung gang member si ela hindi ba dapat ginagawan nila yun ng paraan kasi hindi magandang masali sa gang, and worst leader pa sya.
"Wala. Alam mo kasi shawn ngayong nagkainteres ka na sa ganitong mga bagay bagay sasabihin ko na sayo lahat para di ka mukang inosente sa paligid mo."paunang sabi nga. "Yung si ela, sya ang tumutulong sa mga teacher para patinuin ang mga studyante dito sa school. Ang mga studyanteng wala ginawa kundi ang mang gulo at mag hari harian sya ang umaasikaso lalo na kapag hindi na sila mahawakan at mapigilan ng mga teacher si ela ang nilalapitan."paliwanag nya.
"Sa tingin ba sinabihan syang cool dahil lang sa galawan nya at may cool na aurang makapalibot sakanya? Hindi yun ganun"
"Cool sya dahil kaya nyang kontrolin kahit sinong iharap mo sakanya"
Sa dami ng sinabi ni adrian na impormasyon tukol kay ela hindi pa nag seseek in sa utak ko lahat.
Ganun ba sya kalakas at kagaling?.
Sa tagal kong nag aaral dito bakit ngayon ko lang to nalaman.
"Oh anong pinaguusapan nyo?"bungad ni justine dala ang mga pagkain na inorder namin.
"Ah sinabi ko lang shawn ang pagiging gang leader ni ela" simpleng sagot nya.
"Ah yun ba"tumatango tangong sabi ni justine habang nilalagay sa harap ko ang order ko habang si adrian naman ay kinuha na nya ang order nya ng kusa.
"Alam mo rin?" Tanong ko kay justine
Tumango naman sya. "Hindi naman secreto yun. Siguro ang hindi lang nakakaalam ay yung mga freashmen at elementary na nag aaral dito." Sagot nya.
"At ako"dag dag ko.
Natawa naman silang dalawa sa sinabi ko.
"Well shawn hindi naman kasi pumasok sa utak namin na magiging iteresante ka sa bagay na to"sabi ni justine.
"Tama,aral sa school tapos aral ulit sa bahay ang gawain mo eh. Saka sa pagkakaalala ko kasama kanamin nung una naming nalaman na I sang gang leader si ela." Tugon ni adrian habang nag simula na syang kumain.
Nag sumula narin ako pati si justine
"Nandun ako pero bakit di ko alam?" Tanong ko ulit
"Ibig sabihin hindi ka nakikinig"-justine
"Ibig sabihin ang boring ng buhay mo"-adrian
Sabay na sabi nila.
Seryoso ko namang tinignan yung dalawa na tumatawa at nagawa pang mag apiran.
Tsk.
Hindi na ako ng salita pa at kumain nalang nang matapos kami kumain dumiretsyo na kami agad sa room.
Ela p.o.v
Nagising ako na wala na ang mga kaklase ko kundi napalitan ng panibagong dalawang kupal.
"Anong ginagawa nyo dito?"tanong ko agad sakanila.
"Alam kasi namin na hindi ka lalabas ng room nyo"sabi aaron
"At alam din namin na hindi ka pa nag lalunch"sabi naman ni Mark.
"Kaya naman dinalhan kanamin dito leader"sabay nilang sabing dalawa.
Si aaron at mark ay grade nine na hawak ko sa gang. Habang yung dalawang engot kaninang imaga na si jack at edwin ay mga grade ten.
Tinignan ko yung nilagay nila mesa ko. Ano to? naka kahon pa.
"Ano to?" Tanong ko Sabay Turo dun sa kahon.
"Ah eto"kinuha yun ni mark at binuksan.
"TaDa"sabay ulit sila.
"Two slice ng chocolate cake dahil Alam namin na di kasya Sayo ang is a leader" sabi ni Aaron. Ewan Perl hindi ako nainis sa Sinai nyang hindi kasya sakin ang isang slice ng chocolate cake kami to too naman.
Natuwa pa nga ako kami naisipan nilang dagdagan.
"At syempre hindi pwedeng kain lang, dapat inum unum den kaya---" nag labas si mark sa bag nya nga isang bottle ng tibig at I sang bottle ng juice"tada tubig at juice para sa yo leader"
Hindi ko alam kung matatawa ako sa pinag gagawa nila. Alagang alaga ako ng mga ka gang mate ko. Wala naman akong ginagawa sakanila eh.
"Tsk, salamat dito" sabi ko at nag simula ng kumain
Binuksan naman ni aaron at mark yung tubig at juice.
"Kayo kumain na ba kayo?" Tanong ko.
"Syempre naman leader"sagot ni mark.
"Alam kasi namin na magagalit ka pag hindi pa kami kumain diba?" Sabi naman ni aaron.
Nakamgiti naman akong napatango.
Very good. Buti pa tong dalawa ganito hindi katulad nung dalawang engot kaninang umaga.
"Teka anong oras simula ng klase nyo?"tanong ko naman. Naubus ko na agad yung isang slice ng cake. At nakakalahati ko na tong second slice.
"Tungkol dun"nag aalangan sabi ni aaron sabay tingin kay mark.
Si mark naman ay napatingin sa relo. Naubos ko na ang dalwang cake ngayon ay kinuha ko naman kung tubig.
"Ah 15 min. Nalang mag sisimula na."kaswal na sabi ni mark.
Dahil dun mintik ko nag maibuga yung iniinom kong tubig. Buti nalang nalunok ko agad.
"So ano pang ginagawa nyo dito?" Tanong ko habang pahigpit ng pahigpit ang hawak ko sa plastic bottle ng tubig wala na tong laman dahil nainom ko na lahat.
"Eh kasi leader--" hindi matuloy ni aaron ang sasabihin nya.
Pabagsak kong ipinatong sa mesa ang kamay ko na may hawak na plastic bottle, binitawan ko yun at hinyaan na matumba.
"Labas"mahinahong sabi ko pero hindi pa sila gumalaw" sabing labas na eh. Tumakbo kayo ng mabilis papunta sa room Nyo. 15 min Malang at mag sisimula na ang klase nyo nandito pa kayo."sigaw ko sa dalawa. Nakatayo na ako at nakapatong ang dalawa kong kamay sa mesa habang nakatitig sa dalawang engot din sa harap ko.
"Kayong dalawa makinig kayo. Sa oras na malaman kong nalate kayo kahit isang minuto lang sa klase nyo alam nyo na ang mangyayari."mahinahon ko nang sabi. Binabawi ko na. Kaparehas din ng dalawang to ang dalawang engot na grade ten kanina.
"Ngayon, isa"kita ang taranda sa muka nila. Kinuha nila ang plastic bag sa gilid ng mesa ko at kinuha ang korten na may lamang cake kanina at yung plactic bottle na may lamang tubig kanina.
"Dalawa" patuloy ko.
"Wahh eto na leader aalis na kami"sabi ni mark
"Babye leader, muwah"sabi ni aaron na nag flying kiss pa.
Nakita ko ang pag batok no mark kay aaron at sinabihan na tumakbo na.
Tsk. Bat ba ako pinapalibutan ng mga kupal at engot. Na pabuntong hininga nalang ako. Kinuha ko yung isang plastic bottle na may lamang juice.
Pero aamin ko nagugustuhan ko kung paano ako tratuhin ng mga gung gong na yun.