Dalawang oras na ang nagdaan nang linasin ni Cara ang Falcon Psychiatric Mansion ngunit naroon pa rin ang isip niya. Kung puwede lang na doon matulog gagawin niya. Ngayon tuloy, hindi niya batid kung paano ipaliliwanag ni Bon ang pag-alis niya kapag nagising na si Julian. Tumingin muna siya sa rear mirror at inayos ang sarili bago bumaba sa kotse. Tiningala niya ang mansyon ng mga Grayson habang naghahabi sa isip ng sasabihin tungkol sa kalagayan ni Julian. Simula nang dumating ang mga ito, lagi siyang tinatanong dahil hindi sila nakakapunta sa ospital. Madalas kasing itinataboy ng binata ang mga magulang nito. "Cara, my dear." Ang eleganteng ina ni Julian ang sumalubong sa kanya sa malawak na sala. Hindi pa man siya nakakabati ay yumakap na ang matandang ginang sa kanya. Maganda ang mu

