"So Meg, you swallow or spit it?" Napataas ang kilay ni Lilith sa katabi niyang si Lauren. Kahit hindi siya ang tinatanong, tinatayuan siya ng mga balahibo dahil sa pagkaprangka ng kaibigang modelo. Ngunit hindi lang ang Amerikanang modelo ang bisita nila. Naroon din ang roommate nitong si Ana na kalahating Brazilian. It was nine hours ago since Cas dated Lilith. Gayunman, maaga pa rin siyang nagising dahil maagang bumisita ang mga modelong nakatira lang sa kasunod na palapag. Kaya kahit gusto pa niyang umidlip sa sopa, imposible rin dahil kalat sa buong bahay ang masiglang boses ng dalawa. Nagkibit-balikat si Meg na nakaupo sa tapat ni Lauren. "Well, it depends." "That's true," ani Ana. Lumapag ang kamay niya sa hita ni Lauren at mapang-akit na hinagod ang balat nito pataas ng braso.

