Suot ang kanyang black tuxedo, buong pananabik na naghintay si Cas sa harapan ng altar. Nakapuwesto na rin ang mga binata't dalagang abay, pati na ang mga malilit na batang magdadala ng singsing at magsasabog ng mga talulot sa gitnang pasilyo. Handa na ang lahat at isa na lamang ang hinihintay para simulan na ang kasal. Iyon ay ang inaabangang pagdating ni Lilith. "What's taking her so long?" Sumilip si Cas sa kaniyang wristwatch at bumuntong-hininga nang mapagtantong isang oras na ang nagdaan ngunit hindi pa rin dumarating ang nobya. Bagama't nag-aalala rin, tipid na ngumiti si Don na siyang bestman. "Tawagan mo na kaya. Hindi naman siguro aatras si Cara, pare." "I hope so," bulong ni Cas. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pantalon at tinawagan si Lilith. Napangiti siya na

