"Salamat talaga hijo at dumalaw ka rito. Hayaan mo, 'pag malakas na ako, binisitahin ko ang ITrends at kayong dalawa ni Cara." Tinapik ni Roberto si Cas sa balikat habang palabas sila ng mansyon. "Okay. Gusto ko 'yan. Hindi mo lang alam, miss ka na rin ng mga empleyado doon. Madalas ka nga nilang tinatanong sa 'kin. Naisip ko tuloy, mas gusto ka yata nilang chairman kaysa sa akin," aniya at sabay silang nagtawanan. "Ikaw din naman, Cas. Lagi kang pinupuri sa 'kin ng mga nakakausap ko sa board. Pero ang punto lang talaga doon ay kapag maayos ang pakikitungo mo sa mga empleyado mo, hindi lang respeto at tiwala ang makukuha mong kapalit kundi pagmamahal. Pero siyempre, hindi nawawala ang higpit." Tumango si Cas habang ipinapasa sa cheuffer ang maleta niya. "Tatandaan ko 'yan, Dad." Tahimi

