"Anong sinabi mo? 'Yong confrontation namin ni Patrick sa resort? 'Yon daw ang dahilan ng pananakit ko sa kanya?" Halos pumutok ang mga ugat ni Cas sa sentido dahil sa ibinalita ng kaharap. "Attorney Mauro, are those valid enough para arestuhin nila ako?" Mabagal na tumango ang abogado. " Yes, Cas. That's according to my source. At ayon sa witness, ikaw ang huling kasama ni de Marc bago siya natagpuang duguan at walang malay." "What? Mga santambak pala silang mga gago!" Nagkuyom ng mga kamao si Cas at marahas na kinalampag ang mesa. Sa lakas nito'y napalingon sa kanila ang ilang tao na nakaupo rin sa visiting area ng presinto. Tinapunan din siya ng masamang tingin ng pulis na nakabantay sa may pinto. "Will you please lower your voice, Cas," bulong ni Attorney Mauro na magkadikit ang mga

