Seven months later... "Watch your step..." Halos hindi humihinga si Lilith habang humahakbang sa bato paakyat ng mataas na bahay. Hindi siya binibitiwan sa braso ni Cara kahit ang isang kamay ng kakambal niya ay bitbit na limang shopping bag. Samantalang siya naman ay nakaalalay sa tiyan niyang kasinlaki ng soccer ball. Saka lamang nakahinga nang maluwag si Lilith nang makarating na sila sa sala. Kung bakit kasi napakataas ng bahay ng asawa niya. Suspetsa niya ay dati itong burol na tinayuan ng malaking bahay kung saan ay matatanaw ang lahat ng mga bagay na ipinagmamalaki ng Tagaytay. Kabilang dito ang Bulkang Taal na kasalukuyang pinagmamasdan nilang magkambal. "Salamat pala, Cara," bulong ni Lilith na nakatanaw pa rin sa Taal. Nakangiting napakunot ng noo si Cara. "For what are yo

