"Kung gusto mo, magpahinga ka na. Ako na muna ang magbabantay kay Cas." Hindi natinag sa kinauupuan si Lilith nang marinig niya ang alok ni Don. Ni hindi nga siya nakadarama ng pagod lalo na dahil hawak niya ang kamay ng natutulog na kasintahan. "Okay lang ako, Don." She glanced over her shoulder quickly and smiled. "Nakapagpahinga naman ako no'ng umuwi ako kahapon. Ngayon, kahit ako na ang magbantay sa kaniya hanggang sa makalabas siya, okay lang. Marami naman akong dalang damit." "O, sige." Nagkibit-balikat si Don at umupo sa sopa na nakadikit sa pader. Sa magkasintahan pa rin siya nakamasid. "Pero kamusta ka na talaga? I mean, about Julian?" Nagbuntong-hininga si Lilith habang nakatitig sa magkahawak nilang mga kamay ni Cas. Kumusta na nga ba siya? She just gone through a lot of tr

