Cara was standing really straight as she regretfully stared down at the coffin. Namumula ang mga mata niya pati na ang kanyang mga pisngi, tilang ilang oras siyang nagbuhos ng mga luha sa salamin ng kabaong dahil basa pa rin ito. Mayamaya'y nadama niyang may pumisil sa kanyang balikat. Pagharap niya'y muling naluha nang mapagtantong ito'y walang iba kundi si Marga. "I'm so sorry this happened to Julian," bulong ng garalgal na boses ni Cara. Lalo pa siyang yumakap sa ginang. "Ngayon pang napatawad na siya ni Cas. Iuurong na niya ang demanda. I'm so sorry, tita dahil nahuli ako." Marga pulled away and wiped her tears. "Wala kang kasalanan, hija. Nagpapasalamat pa nga kami sa 'yo ni Jude dahil inalagaan mo si Julian habang wala kami. Masakit man sa kalooban namin, kailangan naming tanggap

