"Ma'am, hindi po ako sigurado kung puwede mong makita ang pasyente ko. Kasi noong huling dumalaw kayo dito kasama 'yong aroganteng lalaki, lalong lumubha ang pasyente ko." Napabuntong-hininga na lang si Cara habang nakatanaw sa maliit na bintana sa kuwarto ni Julian. "That's not me. Kakambal ko 'yon." Nanlaki ang mga mata ng nurse. "So, ibig sabihin hindi nag-hahalucinate si Julian? May Cara pala talaga? Ikaw pala 'yon?" "Yes." Cara impatiently stared at him. "Now, open this door. I want to talk to him." "H-huh?" The lanky male nurse gazed at her in confusion. "Naku, hindi puwede kasi violent siya ngayon. Kami nga hindi namin siya nalalapitan hangga't hindi siya bininigyan ng—" "Kung gusto mong gumaling ang pasyente mo, bubuksan mo itong pinto para makapasok ako," ani Cara at pinanlak

