Nagulat ako ng nakita ko sa loob ng hospital ang ama ni Fat Fat. " I told you Mr. Del Rio pag-iisipan ko ang magiging pasya ko." Nagulat ako ng biglang lumuhod ito sa harapan ko. Hindi ako nakakilos sa ginawa niya. " Please I want to see my daughter. Kahit hindi na niya malaman ako ang ama niya. Payagan niyo akong makasama at makita siya. Nagmamakaawa ako sa iyo." Napakagat ako ng labi ko. Naawa ako sa hitsura niya. Pogi pa din naman siya pero parang hindi na nito maayos ang sarili niya. " Tumayo ka diyan! Hindi mo dapat ginagawa na lumuluhod sa harap ko. Ang asawa ko lang dapat lumuluhod sa harapan ko." " Okay pumapayag na akong makita ang anak mo. Pero isang kondisyon hindi niya malalaman na ikaw ang ama. Ipapakilala kitang pinsan ni Andrei. Na kunwari pamangkin mo siya. Nagkakain

