“ANG sabi ng mga doctor, kailangan mo raw magpahinga, Yosef. Hindi ka puwedeng magpagod,” pahayag ko nang maabutan ko siya sa silid niya. Nakaharap siya sa laptop at panay ang type roon. “Huwag ka munang magtrabaho. Alam naman ni Kuya Justus ang nangyari.” After ng ilang oras na pag-oobserba sa kaniya ng mga doktor kanina sa hospital ay pinayagan na rin nila kaming makauwi. I am thankful na hindi malala ang nangyari sa kaniya, maging ang natamo niyang mga sugat. Hatid-hatid kami ni Mama Helina at ni Manong George kasama si Manang Seda na alalang alala rin. Kaya naman hindi sila umaalis ng bahay hangga’t hindi nila nakikitang kumakain ng gabihan si Yosef. Bumuntonghininga ako nang ipagpatuloy niya ang kaniyang tintrabaho sa laptop. Tinabihan ko siya sa kama, at hindi sinasadya ng aking mg

