“NAGPAPAALAM ka sa akin about your out of country business appointment next week?” I asked Yosef the moment our car stopped in front of the MounWrist building. Hindi muna ako bumaba. Binalingan ko siya ng tingin matapos kong lagyan ng lipstick ang aking mga labi. “Bakit naman ako hindi papayag? You need to go there. May kasama ka naman, hindi ba?” Tumango siya nang nay lungkot sa mga mata. Kinuha niya sa akin ang aking kamay at saka niya pinaglaruan ang aking mga daliri. “I will go with Justus. We will stay there for three days,” aniya. Nabigla naman ang puso ko. Three days? Ang ibig sabihin ay mawawala siya sa tabi at paningin ko ng ganoong katagal? I sighed. Katulad niya ay nakaramdam ako ng lungkot. But that was okay. Para naman kahit papaano ay magkaroon kami ng distansiya. Baka ma

