WALA halos akong tulog. Kagabi ay papalit-palit ako ng puwesto sa higaan habang katabi si Kisses. Hindi ako makaramdam ng antok at sa tuwing mahuhulog ako sa mababaw na pagtulog ay lagi akong naaalimpungatan. Ayaw maalis sa aking isip ang nabanggit na mga salita ni Faye, parang naglilihi at parang buntis daw ako. Mariin ko iyong itinanggi. Hindi ako sigurado kung ilang days nang delay ang period ko dahil minsan ay late naman akong nagkakaroon ng dalaw. Kaya last night, ni-check ko agad ang bag ko upang tingnan kung naroon pa ang mga extra napkin ko. I got nervous when I realized na wala pa iyong bawas kahit isa. Bukod sa pagka-delay, kagabi ko lang din namalayan ang mga ikinikilos ko nitong mga dumaang araw. Madalas mabigat at masama ang pakiramdam ko. I had cravings for foods and smel

