Chapter 5

1255 Words
***Belle POV*** "HELLO, Jea. Can you hear me? Nasaan si mamita?" Napalunok ako. Medyo masungit na ang boses ni Strike sa kabilang linya. Ngunit ang puso ko ay tila doble na ang pintig. Hindi ko inaasahan na maririnig kong muli ang boses nya. "Jea. Hello?" Tumikhim ako. "S-Sorry, sir. M-Medyo choppy po kasi kayo. Uhm.. ang senyora po ay kausap ang mga amiga nya. Narito po kami sa restaurant." "Oh, I see.." Saad ng nasa kabilang linya sa magaspang na boses. Kinagat ko ang ibabang labi. Hindi pa rin magkamayaw ang puso ko sa mabilis na pagtibok nito na tila ba nanabik din sya na marinig muli ang boses ni Strike. "Wait.. who are you? You're not Jea. Iba ang boses mo." Muli akong tumikhim. Kumabog muli ang dibdib ko sa kaba dahil baka mabosesan nya ako. "A-Ako po ang bagong PA at secretary ni Senyora Consuelo. N-Nag leave po si Jea dahil manganganak na po." "Oh.. hindi yata nabanggit sa akin ni mamita na may bago syang PA. Anyway, what's your name?" Muli akong napakagat sa ibabang labi. Tila may kumurot sa puso ko dahil parang hindi nya natatandaan ang boses ko. "Hello, miss? Are you still there?" "Sorry po, sir. Medyo choppy na naman po kayo. Sabihin ko na lang po kay senyora na tumawag kayo. Bye po." Agad ko ng binaba ang cellphone at pinatay. Ilang sandali ko munang tinitigan ang cellphone baka sakaling tumawag syang muli. Pero lumipas na ang isang minuto ay hindi na sya muling tumawag. Bumuntong hininga ako at tinapos na ang pag aayos sa sarili saka lumabas. Ngunit okupado pa rin ang isip ko ni Strike. Hindi malabong malaman nya na ako ang bagong PA at secretary ng mamita nya. Muli akong bumuntong hininga ng malalim. Good luck na lang talaga sa akin. "What took you so long, iha? Aalis na tayo." Wika ni Senyora Consuelo. Naka-ready na sila ng mga amiga nya para umalis. "Pasensya na po, senyora. Tumawag po kasi si S-Strike — I mean si Sir Strike po." Kumunot ang noo ng senyora. "Ano daw ang kailangan nya?" "Hindi po sinabi. Tumatawag daw po sya sa phone nyo pero hindi raw po kayo sumasagot." "Ganun ba. Hindi ko narinig." Anang senyora at binuksan ang kanyang bag. Dinukot nya ang kanyang cellphone at nakita nyang may may missed call galing kay Strike. "Naku, tumawag nga ang apo kong may saltik. Mamaya ko na lang sya tatawagan." Aniya at binalik muli ang cellphone sa bag. Muli naman akong napabuntong hininga. Lumabas na kami ng restaurant at dumiretso naman sa tea shop dahil mag tsa-tsaa daw muna ang mga seniors. Nakakatuwa nga silang pagmasdan dahil mga otsenta anyos na pero malalakas pa rin at malilinaw ang isip. Iba talaga kapag puro masusutansya ang kinakain mula pagkabata. Tiyak na aabot ka ng edad na otsenta ay malakas pa. . . "Kamusta ang lakad nyo ng senyora, anak?" Tanong sa akin ni nanay ng hainan nya ako ng niluto nyang meryenda para sa mga tauhan ng mansion. Special turon yun na may ube at langka sa loob. Kumuha ako ng isa at kumagat. Medyo mainit-init pa yun kaya mabilis ang galaw ng bibig ko. "Ayos lang naman po, nay. Nakipagkita si senyora sa mga amiga nya. Ang yayaman din po ng mga amiga nya." "Aba'y oo naman. Isa sa mga amiga nya ay asawa ng dating congressman. Mga mayayaman din ang mga yun at mga asawa din ng mga kilalang negosyante dito sa Laguna. Pero mababait din ang mga yun." Tumango tango ako sa sinabi ni nanay. "Opo, nay. Si Senyora Luisa nga po nirereto pa ako sa apo nya." "Talaga? Aba'y dapat kinagat mo na anak. Chance na nating yumaman." Nakangising sabi ni nanay. "Eh kaso po babaero daw. Kaya ekis po, nay." "Yun lang. Di bale na kamo kung babaero naman. Sasakit lang ang ulo mo dyan." "Yun na nga po, nay." "Darating din ang tamang lalaki na para sayo, anak. Hindi mo naman kailangan magmadali." Ngumiti na lang ako kay nanay habang sunod sunod na ang kagat ko ng turon. Sumagi naman sa isip ko si Strike. Sya ang lalaking pangarap ko noon — hanggang ngayon. Yun nga lang ay abot langit naman ang pagkamuhi nya sa akin. Sunod sunod ng pumasok sa kusina ang mga tauhan ng mansion mula sa mga kasambahay, driver, bodyguard at hardinero. Kumuha na sila ng kanilang mga meryenda. Bukod sa turon ay meron ding fresh orange juice. Libre kasi ang pagkain dito sa mansion. Kahit istrikta at may pagka-masungit ang senyora ay hindi naman sya madamot at matipid para sa mga tauhan. Ang mga pagkain dito sa mansion ay para sa lahat. Ang ayaw lang ng senyora ay yung nagsasayang at nag uuwi sa bahay nila ng walang pahintulot. . . ***Strike POV*** "HELLO, apo." Ngumiti ako ng marinig ang boses ng abuela. "Good afternoon, mamita. Mukhang bagong gising kayo mula sa siesta. Naistorbo ko ba kayo?" Tanong ko habang tinatanggal ang necktie. "Oo, istorbo kang damuho ka. Natutulog ako tawag ka ng tawag." Natawa na lang ako sa pagsusungit ng abuela. Sanay na ako sa pagsusungit nya at alam kong lambing lang nya ito sa akin. "Pasensya na ho, mamita. Kanina ko pa kayo tinatawagan pero hindi kayo sumasagot. Ang sabi ng bagong PA mo ay kasama mo raw ang mga amiga mo." "Oo, nag get together kami kanina sa paborito naming restaurant pagkatapos ay nag tsaa kami." Ngumisi ako sa tinuran ng abuela. Otsenta anyos na sya pero kung kumilos at magsalita minsan ay parang bagets pa. Malakas lakas pa sya at matalas pa ang isip. "Nag enjoy naman ho ba kayo?" "Of course. Ilang months din kaming hindi nagkita ng mga amiga ko. Anyway, bakit ka ba napatawag?" "Nothing, mamita. Namiss ko lang ho kayo." "Ay sus! Dyan ka magaling. Tatawag ka lang kapag namimiss mo ko. Kapag ako talaga namatay hihilahin ko ang paa mo habang natutulog ka." Natawa na ako ng malakas sa sinabi ng abuela. "Parang hindi yata mangyayari yan, mamita. Immortal ho kayo." "Immortal ka dyan.. Eh kelan mo ba balak umuwi dito sa Laguna? Puro ka lang tawag di ka naman umuuwi." Napakamot ako sa likod ng tenga na hindi naman makati. Kelan ba ako huling umuwi sa mansion sa Laguna. Three years ago? Hindi ko na matandaan. Simula kasi ng ako na ang humawak ng kumpanya ay mas lalo na akong naging busy at bihira na lang umuwi sa Laguna. "Kapag hindi na masyadong busy ang schedule ko ay susubukan ko hong umuwi dyan." "At kelan naman kaya yun? Puro ka na lang ganyan, Strike.. Siguro ay kailangan pang magkasakit ako ng malala bago ka umuwi." May himig na ng tampo sa boses ng abuela. "Huwag naman ho kayong magsalita ng ganyan, mamita. Alam nyo naman na ayaw na ayaw kong nagkakasakit kayo." "O sya, ayoko ng mamilit. Pero kung uuwi ka tawagan mo muna si Belle para makapaghanda naman kami." Kumunot ang noo ko ng marinig ang sinambit na pangalan ng abuela. "Belle? Who's Belle, mamita?" "Si Belle.. ang bago kong PA at secretary. Nagleave kasi si Jea dahil manganganak na. Kaya si Belle muna ang pansamantala kong PA. Teka, nakalimutan mo na ba si Balle? Di ba nagkausap na kayo kanina." Saglit akong natigilan ng maalala ang pamilyar na boses ng babae na kausap ko kanina sa phone. "You mean Belle na anak ni Manang Luz, mamita?" "Oo, sya nga." Umawang ang labi ko at parang may sibat na tumarak sa puso ko ng makumpirma ang hinala ko. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD