Hindi ko ginugusto ngunit naroon ako sa iisang silid kasama ang taong – teka, hindi nga pala siya isang tao. Nagawa akong kumbinsihin ni Chase na pumunta kaagad sa ospital. Hindi ko talaga alam kung anong meron sa wirdong iyon dahil napapunta naman agad ako nito. I even left Ross there confused and had only given him a sorry. I must be out of my mind. Noong isang araw pa raw pala nagising si Audrey ngunit noon lang ito ibinalita ng kaniyang ina at kapatid. Nagpapahinga pa raw kasi siya. Simula nang makapasok sa silid ni Audrey ay panay ang tago ko sa likod ni Chase. Marahil ay natatakot pa rin ako kay Audrey. Hindi ko pa rin naman ito masyadong kilala at baka may masama na naman itong gawin. "Huwag mo siyang titigan ng ganyan, Aud. You're scaring her," saway ni Chase sa babaeng nakaup

