(Ekon POV) Namimili kami ni Charlie ng mga gamit at groceries sa bahay. Mula kasi ng nakasama ko si Charlie nag iba na ang takbo ng bagay bagay sa bahay. Nakatayo lang ako pinapanood ko siya habang namimili at nakipagusap sa iba pang costumers . Na pakalikot nito at ang ganda ng mga ngiti niya sa ibang tao. Napatingin ito sa gawi ko kaya tinanguan ko siya. Ngumiti ito at naglakad na papunta sa counter. Pagkatapos naming namili naisipan naming kumain at mag mamasyal muna sa Crystal Park. Nagrenta siya ng bike at naglibot sa buong park habang ako nakamasid lang sakanya at sa mga tauhan ko sa malayo. ....... Nung napagod na siya nagpasya na kaming umuwi. On our way home, may napansin akong sumusunod samin. Shit! Kumikilos na naman ang Kai Davies na 'yon! Hinarangan kami ng ta

