Nakatulala habang tumutulo ang luha ni Katherine habang tinatapos pa niya ang anunsyo ng isang publishing house na kung siya nag-submit ng mga nobela. Isa rin 'tong malaking kahihiyan sa kanya sa pangyayari kahit di pa napapatunayan at malaking panghihinayang din ito sa akdang sinulat niya na ngayon nasabing ninakaw umano niya. Mga ilang sandali ay biglang pumasok ng kanyang silid si Arianne. Natigilan ito nang makitang mugto ang mga mata ng kanyang pinsan. "Nabasa mo?" tanong niya rito at tumango si Katherine. "Hindi ko alam kung paano nangyari. Nagulat na lang ako kanina nang makita ko sa newsfeed." Nilapitan nito ang pinsan at niyakap nang mahigpit. "Ga---lit at sa----kit ang nararam----daman ko ngayon, Rian. Hindi ko alam kung ano ga----gawin ko." Humihikbing pahayag ni Katherine da

