PILIT na ipinapasantabi ni Ryan ang kabang nararamdaman niya habang kasama ang dalawang bagong estudyante sa paglalakad sa dalampasigan sa labas ng Isla del Amor Yacht and Country Club na nagpakilala sa kaniyang sina Celine, ang nakababata sa dalawa at si Millie na tiyahin ni Celine na para bang kapatid lang dahil tila hindi naglalayo ang edad ng dalawa “Oh, there are so many kids surfing out there!” turo ni Celine sa mga batanag dating tinuruan niya at ngayon ay bihasa na sa pagse-surf. “0Wow! Look at them, ate. They’re so good!” humahangang sambit nito na napatigil pa para mapagmasdan nang maayos ang pinapanood na grupo ng mga bata na tila ba nakikipaghabulan lang sa malalaking alon. “Kung palagi po kayo talaga sa dagat mas madali ninyong magagamay ang pagse-surf dahil makakapag-pract

