KAAGAD na nag-alis ng bikig sa lalamunan si Ryan matapos makabawi sa pagkatulala sa kaharap. His eyes were glued on this woman who looked so gorgeous and hot with an oversized cropped hoodie and black leggings. “Good afternoon po, Ma’am,” tugon na lang niya sa sinabi nito. “Of course, ate. He’s working here,” balewalang wika ng kasama nito na mas bata rito at may suot na pink sports bra at leggings. Pagdaka ay nakangisi itong bumaling sa kaniya na para bang kinikilala siya. “Ahm, Ryan is it?” basa nito sa nakaburdang pangalan niya sa suot niyang uniform na t-shirt. “Were you that lifeguard who taught that li’l boy how to surf the other day?” patuloy na tanong nito sa kaniya pagkatango niya at pagkumpirma sa pangalan niya. “Ah, basics lang po, Ma’am, ng balancing ang itinuro ko sa bata,”

