KULANG na lang ay lumubog sa kinatatayuan niya si Millie nang malaman niyang hindi pala siya nakilala ng kaharap na si Ryan. Gusto niyang ma-offend, pero nang sabihin nito na hindi ito palatanda sa mga mukha, somehow ay naintindihan niya ito. Marami nga naman itong nakakahalubilo ng guests at iba’t ibang tao, at least, mayroon siyang consolation. He somehow recognized her, ‘yon nga lang, hindi nito matandaan kung saan sila nagkakilala. Ayos na ‘yon sa kaniya. “I-I’ll go ahead—” paalam niya sa binata bago pa siya muling matigagal sa presensya nito. Kung bakit ba naman kaagad nanumbalik ang matinding kaba sa dibdib niya pagsilay pa lang niya sa lalaki. Kung bakit ba naman kasi walang pride ang puso niya na ayos lang dito na one-sided ang pagtingin sa lalaki. Unrequited crush is really lame!

