NAGDESISYON si Millie na mamaya na lang siya bababa ulit para maghapunan kapag nakaalis na si Ryan. Having him in the same room as her, suffocates her. Hindi rin siya gaganahang kumain kung makakasama niya ito sa hapunan. Nang makita niya ang abuelo niya na palabas ng bahay kanina nang patungo siya sa may hagdanan paakyat sa silid niya ay tinanong niya kung saan ito pupunta. Noon niya nalaman na ito pala mismo ang nag-imbita kay Ryan na maghapunan doon sa mansyon nang malaman nitong naroon ang binata sa hacienda. Nang sabihin niya rito na nasa kusina ang bisita nito ay dali-dali siyang iniwan ng abuelo, bagay na nakapagpa-iling na lang sa kaniya. Her is at ease with Ryan and Andrew samantalang napaka-pormal pagdating kay Ram. Had she married Ryan, she will feel happy and over the moon

