DRAKE ADAM'S POV HABANG nakaupo sa sofa ng bahay ni Zerra ay hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Mag-isa lang ako ngayon dahil nagpaalam itong maglilinis muna ng katawan dahil nanlalagkit na raw ito. Ilang oras lang naman ang ginugol namin sa daan dahil wala ng mas'yadong traffic. Malalim na rin kasi ang gabi kaya't malinis na ang kalsada. Mas lalo akong napangiti nang maalala ko ang hitsura nito kanina nang sabihin ko na sa bahay ng mga magulang ko kami pupunta. Nasa daan pa lang kami ay napansin ko na ang pagiging uneasy nito. May family dinner kasi kami kanina at binantaan ako ni Mommy na kapag hindi ko kasama si Zerra ay huwag na rin daw akong pumunta. Kaya wala akong nagawa kun'di ang isama ito kahit walang permiso. Akala ko simpleng kaba lang ang nararamdaman nito pero napag

