MATURED CONTENT! READ FOR YOUR OWN RISK! ZERRA NICOLE'S POV ILANG sandali na tila nag-lock ang mga mata namin ni Drake. Parang walang gustong kumurap sa aming dalawa. Hanggang sa makita ko itong naglakad palapit sa akin. "Baby..." sambit nito nang tuluyan na itong makalapit sa akin. "B-Babe..." sambit ko naman. Medyo kinakabahan na ako dahil nakikita ko ang pagnanasa sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. "Sorry kung nakatulog ako. Hindi ko lang kinaya ang antok at pagod," parang nahihiya na sabi ni Drake. Napangiti naman ako rito. "Okay lang. Gusto mo na bang kumain?" "Kumain? Puwede na ba?" tanong nito na may halong kapilyuhan. "Oo naman! Teka magbibihis lang ako, ipaghahanda kita." Lalampasan ko na sana ito para pumunta sa cabinet ko nang pigilan ako nito. Mabilis akong

