ZERRA NICOLE'S POV NARITO KAMI ngayon sa rehearsal ng kasal ni Ell at Marcus. Yes, ngayon ang kasal nila. Last month ay nag-proposed si Marcus sa kaibigan namin. At mabilis lang ang preperasyon dahil babalik na si Marcus sa America. And this time ay kasama niyang aalis ang kaibigan namin pagkatapos ng kasal. Two weeks daw ang magiging honeymoon nila, kaya two weeks naming hindi makakasama si Ell. Kumpleto na ang lahat ng kasali sa entourage. Parents, groom-to-be and the bride-to-be. And siyempre ang mga bridesmaid ng kaibigan ko na ang karamihan ay kasamahan namin sa trabaho. Kami naman ni Ara ay ang tatayong maid of honor nito. Nagturuan pa kami ni Ara kung sino sa aming dalawa, pero walang nanalo sa amin ni Ara dahil si Ell ang nag-decide. At ang desisyon nito ay kaming dalawa ang magi

