Chapter 25 Tatiana's POV "Ouch!" Hindi ko mapigilan ang sarili kong sumigaw nang muli ko na namang maramdaman yung sakit sa lower abdomen ko. Teka manganganak na ata ako. Sign ba ito na magla-labor na ako? Oh s**t naman. Ngayon pa na wala si Ciel at nasa trabaho. "Tatiana?" Nakarinig ako ng mga mabibigat at mabibilis na hakbang patungo sa'kin. "Oh my God! Tatiana!" Narinig kong sigaw ni Mama Nisha. Nanginginig ang mga tuhod ko, buti na lamang at nakahawak ako sa railings kung hindi kanina pa ako bumagsak. "What's happening?!" Tarantang tanong ni Mama Nisha sa'kin habang inaalalayan niya ako. "I don't know, mama. I was about to go downstairs to washed the plate I used but as soon as I am about to go down, a sharp pain hits my lower abdomen." Saad ko sa medyo nanginginig na boses. Nan

