Chapter 30 Tatiana's POV Pakiramdam ko gumuho yung mundo ko sa balitang sinabi sa'kin ng lalaking kausap ko sa kabilang linya. Wala ni isa ang gustong pumasok sa isip ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Teka, bakit nangyari ito? Hindi ba't okay pa naman kanina? Nakangiti pa nga siya sa'min ni Estelle habang papasok siya ng airport eh. Bakit naman biglang ganito?? Ilang oras pa lang yung nakakalipas simula nung umalis siya eh pero bakit ganito? Isa isang naglandas ang mga luha sa'king pisngi. Hindi ko matanggap yung nangyari. Sumasagi sa isip ko ang mga ngiti niya kanina sa'min, ang mga halik na binigay niya sa'min, teka, iyon na ba ang huli? Ayoko sanang isipin na ganoon pero hindi matanggal sa isip ko ang nangyari kay Ciel ngayon. Ni hindi ko nga alam kung saan at anong oras b

