Amari's POV - "Magandang umaga, Manang Belen!" nakangiti kong bati kay Manang Belen, magaan ang pakiramdam ko ngayon. Excited kasi ako. Sabi kasi ni senyorito Russell na mamamasyal kaming dalawa ngayon. Maaga nga akong gumising, I mean, ewan ko kung nakatulog ba ako kagabi sa sobrang excitement na naramdaman ko. "Maaga ka yata ngayon at mukhang maganda ang gising mo." puna ni Manang Belen. Nakangiti ito sa akin. Isang malapad na ngiti lang ang isinagot ko dito. "Manang Belen, gumising na po ba si senyorito Russell?" pabulong kong tanong dito. "Oo. Sobrang agang gumising ni senyorito. Maaga din kasing umalis." sagot ni Manang Belen na nagpakunot sa noo ko. "U- Umalis po? S- Saan po pumunta?" "Hindi mo ba alam? Bumalik na sa syudad. Nung isang araw pa nga nakahanda ang mga gamit ni

