Amari's POV - Nahihiya ako. Natatakot din. Paano kung hindi mapigilan ni Sasha ang sarili at masabi nya sa iba ang nakita kanina? Tumakbo ito at sinundan ko ito. At natagpuan ko ito na nakaupo sa malaking bato paharap sa kakahuyan kung saan minsan na itong muntikan nadisgrasya nung pumasok ito sa loob. "Sasha!" sambit ko sa pangalan nito. Napalingon ito sa akin. "Amari---" napayuko ito. Parang nahihiya. Tumabi ako sa pagkakaupo nito. "Tungkol kanina-----" hindi ko alam kung paano ko simulan. Kung paano ko ipapaliwanag ang nakita nito na hindi iisipin nito na masama akong babae. Buong akala kasi ng lahat ng tao sa hacienda, girlfriend ni Russell si Kendra. "I'm sorry, hindi ko sinasadya ang nakita ko kanina." tumitig si Sasha sa akin. "Pero-- paano? M- May relasyon kayo ni sen

