Amari's POV
"I knew it. You didn't really pass out, you are just pretending."
Ito agad ang sinabi ni senyorito Russell, kapapasok palang nya sa loob ng kotse. Wala akong nakikita na kahit anong emosyon sa mga mata nya. Tila blangko lang syang nakatingin sa akin.
Kinarga nya ako kanina at ipinasok nya ako sa loob ng kotse nya. Ayaw ko pa sanang tapusin ang pagkukunwari ko na nawalan ng malay pero kumakati ang ilong ko kaya naibuka ko tuloy ang mga mata ko.
Gabing- gabi narin. Kailangan ko na syang makausap.
"Senyorito Russell, please! Nakikiusap ako sayo. Wag mo naman akong tanggalin sa trabaho ko. Kailangan ko talaga ang trabaho ko sa hacienda, sa mansyon nyo. Ang maliit ko sa sahod ko dun ay malaking tulong sa pag- aaral ko. Nakikiusap ako sa inyo. Pangako, hindi ako magpapakita sa inyo pag nandun ako. Iiwasan kong magkasalubong tayong dalawa. Ibalik mo lang ako sa trabaho." nagsumamo ang titig ko sa kanya. Naramdaman ko na ang pamamasa ng mga mata ko.
Umaasa ako. Umaasa ako na maawa sya sa akin. Na maintindihan nya ang pagsisikap ko para makapagtapos ako sa pag- aaral.
"Why are you still studying? Do you think it will help you to stay out from poverty? To tell you frankly, it's not. So, bakit ka pa nagpakahirap sa pagpunta sa paaralan kung ang pagiging katulong lang din naman ang bagsak mo."
He said it with disgust. Pero yong titig nya sa akin, sobrang lamig, kasing lamig ng aircon sa loob ng kotse nya. Kaya sabay ng ginaw na naramdaman ng katawan ko ay ang ginaw na naramdaman ng puso ko.
Magkadugo nga silang dalawa ni Donya Guardia. Pareho yong mindset nila. They both have the same harsh and rude opinion.
"It's not that senyorito Russell. Ang gusto ko lang naman ay magkaroon ng mas maayos na trabaho balang araw para umangat naman kahit kunti ang buhay namin ng kapatid ko. Hindi naman ako nangangarap ng sobra- sobra."
"What kind of job? Cashier in a mall. If that's the only job you wish to land after you graduate, then stop tiring yourself in going to school. Wala ka parin mararating."
I felt irritated. Ang salbahe talaga nya! Wala naman syang karapatan para pakialaman ang pag- aaral ko. At putulin ang mga pangarap ko. Pangarap ko ito at hindi sa kanya. Buhay ko naman 'to. Yong trabaho lang naman sa hacienda ang ipinapakiusap ko sa kanya.
"Grabe naman kayo senyorito, alam ko naman na hindi nakakayaman ang pag- aaral pero iyon ay isang ticket para magkaroon ako ng magandang trabaho balang araw."
"Kung high school graduate ka lang, wala parin mangyayari sayo. You have to be at least graduate of any course para may marating ka. To tell you frankly, whatever your name is, kung hanggang high school graduate ka lang, mas mabuti pang ngayon din, tumigil kana. You are wasting your time in studying. Tulungan mo nalang ang nanay mo sa pagtatrabaho. Makuntento ka nalang sa buhay mo ngayon. Ipinanganak kang mahirap at baka habang buhay kang ganyan."
Naikuyom ko ang kamao ko. Hindi ko na napigilan ang inis ko.
"Wag naman kayong ganyan senyorito Russell. Daig nyo pang babae kung makainsulto. Alam kong hindi nyo maintindihan ang mga katulad kong mahirap na may pangarap. At naniniwala na pag may matapos ako, pwede akong magkaroon ng magandang trabaho. Maswerte kayo dahil ipinanganak kayong mayaman kaya hindi nyo naintindihan ang pagsusumikap naming mga mahihirap. Mayaman kasi kayo. Kaya napakasalbahe nyong magsalita. Akala nyo kaya nyo nang sabihin lahat kasi mayaman kayo. Ang hinihingi ko lang naman sayo na sana ibalik mo ako sa trabaho. Yon lang naman, nakikiusap ako sayo."
Dumilim ang titig nya sa akin. Mas lalong tumindi ang kabang naramdaman ko. Parang gusto ko nang bawiin ang pinagsasabi ko kanina. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko dahil talagang nasaktan ako sa mga pinagsasabi nya.
"Okay fine. You can go back to work."
Napaawang ang labi ko. Hindi ako halos makapaniwala sa narinig.
"R- Really?" awang labi kong sambit. Tama ba ang rinig ko na pagkatapos ng sagutan naming dalawa, pinababalik nya ako sa trabaho ko?
"I am bored. Gusto kong may makalaro sa pananatili ko dito sa hacienda. Gusto kong makita na nahihirapan ka."
Ngumiti sya pero may panganib akong nakikita sa ngiti nya.
-------
Pawis na pawis ako. Para akong hinila na ng munti naming tahanan nang nakita ko ito. Magkahalong pagod at antok ang naramdaman ko, idagdag din pala ang gutom. Wala akong kain sa buong araw dahil sa pag- aabang ko kay senyorito Russell.
Akala ko talaga na isasabay ako ni senyorito Russell since on the way naman ang uuwian ko sa pupunta nya pero sadya nga talagang masama ang ugali nya kasi pinalabas nya ako mula sa kotse nya at hinayaan nya akong maglakad sa dilim. Hindi man lamang sya nakadama ng kunting pagkaalala sa akin. Kahit kunting concern dahil babae ako at mag- isa.
"Amari, mabuti naman at nakauwi kana. Bakit ngayon ka lang nakauwi? Kanina pa ako pabalik- balik sa babaan ng tricycle at hinihintay ka." agad na salubong na tanong sa akin ni Saskia. Ramdam na ramdam ko ang pagkaalala sa tinig nya.
"May pagkain ba?" imbes na sagutin ang tanong nya. Ito ang lumalabas sa labi ko. Gutom na gutom na talaga ako.
"Oo. Tinirhan kita. Ipaghahanda kita."
Agad naman pumanhik sa kusina ang kakambal ko. Habang ako naman ay napaupo muna sa upuan na gawa sa kawayan. Para akong humihingal na aso dahil sa sobrang pagod na naramdaman ko. Pwede naman talaga akong sumakay ng tricycle kaya lang ni piso ay walang- wala ako. Hindi ko naman kasi lubos akalain na maabutan ako ng gabi.
Agad akong pumunta sa may kusina nang narinig ko ang boses ni Saskia na tinatawag ako. Pagdating ko sa may kusina, nakahanda na ang pagkain ko.
Ginisang kangkong at pritong tuyo ang ulam namin. Pero dahil sa gutom na gutom ako kaya parang fried chicken ang ulam ko
sa lakas kong kumain at laki ng bawat subo ko.
"Dahan- dahan lang, baka mabilaukan ka. Parang gutom na gutom ka yata."
Uminom muna ako ng tubig, saka ako tumitig sa kakabal ko. Hindi ko napigilan ang sarili at ikinu- kwento ko sa kakambal ko ang nangyari sa akin sa araw na ito. Pati na ang katotohanan na hindi ako nakakain ng agahan dahil kinain ng pusa ni tiyang ang ulam na iniwan ni Saskia para sa akin.
"Lagot sa akin ang pusa na yon at talagang babalatan ko iyon ng buhay." pasensya na, malaki ang galit ng kakambal ko sa pusa ng tiyang ko.
"Hayaan mo na. Alam mo naman na anak ni tiyang ang pusa na yon."
Nagtawanan kami kalaunan sa sinabi ko.
"Wag ka nang mag- alala dahil may pera ako. Bibigyan kita ng dalawang libo." masayang bulalas nya. Pero, mahina lang ang boses nya at alam ko kung bakit, baka marinig pa kami ni tiyang.
"Dalawang libo?" laking mata kong sambit. "Saan ka kumuha ng ganyang kalaking pera?"
"May bagong raket kasi ako. Tagapangalaga ng taong may sumpong. Ang trabaho ko lang naman ay bantayan ito. Sabi kasi nitong bago kong boss, bantayan ko daw sya at baka magpapakamatay daw sya."
"Baliw ba yang bago mong boss?"
"Ewan ko. Minsan parang baliw, minsan naman parang hindi."
Napakunot- noo ako. Mas lalo akong nalito sa sinabi nya.
"Baka ikapahamak mo pa yan. Mukhang galing sa mental yang bago mong boss." nag- alala naman talaga ako para sa kakambal ko.
"Wag kang mag- alala. Kayang- kaya ko ang bago kong boss. Ubod nga ng guapo ng bago kong boss kaya lang ang sama ng ugali. Nakakilala ka na ba ng isang tao na ubod ng guapo pero ang sama naman ng ugali? Ganyan ang boss ko."
Biglang pumasok sa isip ko si senyorito Russell. Ang salbahe kong amo! Ubod nga ng guapo pero ang sama naman ng ugali.
----
Weekends na naman at masaya ako dahil nakabalik na naman ako muli sa hacienda. May trabaho na naman ako. At mas lalong gumaan ang pakiramdam ko nang nalaman na umalis pala si Donya Guardia, may pinuntahan daw ito sa ibang bansa at isang buwan itong mawawala. Ibig sabihin, isang amo lang ang kailangan kong pakisamahan.
"Amari, pinatatawag ka ni Senyorito Russell." Ani sa akin ni Vivian, isa sa mga katulong dito. Kasalukuyan akong naglalaba ng mga malalaking kurtina.
Pag araw ng sabado, buong araw kaming naglalaba ni Manang Belen. Ayaw na ayaw ni Donya Guardia na gumagamit kami ng washing machine, gusto nito na hand wash ang paglalaba namin. Kaya kahit sanay na ang kamay ko sa gawaing bahay lalo na sa paglalaba, magkasugat- sugat parin ako.Masyado kasing manipis ang palad ko na para daw kamay pangmayaman.
Napaangat ang mukha ko kay Vivian.
"H- Ha? Bakit daw?" kunot- noo ako.
Kahit gusto ko pang makita ang guapong pagmumukha ni senyorito Russell pero pinigilan ko talaga ang sarili na sulyapan ang binata. Ayaw kong matanggal muli sa trabaho. Ang hirap ng walang trabaho. Tiniis ko ang isang linggo na hindi kumakain ng snack dahil sa wala akong naging sahod sa nakalipas. Mas inilaan ko ang natitira kong pera para pamasahe. Ang ibinigay naman ni Saskia sa akin ay ginamit ko para sa mahalaga kong project at inipon ko ang natira.
"Aba, ewan ko. Puntahan mo nalang." pataray na sagot nito.
Medyo maldita talaga si Vivian. Mas matanda lang ito sa akin ng ilang taon. Hindi na ito nag- aaral dahil ang sabi nito sa akin ay maghahanap nalang daw ito ng mayamang dayo sa lugar namin na syang aahon dito sa hirap.
Pataray din umalis si Vivian, pakembot- kembot pa ito. Maganda naman ito, alaga ang balat nito dahil paano daw ito nakabigwit ng mayaman kung mukha itong dugyot. At maganda naman ang katawan nito, sobrang laki ng dibdib.
"Puntahan mo na, baka pagtripan ka na naman kung mabored iyon sa kakahintay sayo. " si Manang Belen.
"Sige po manang."
Agad akong tumalima. Tinahak ko ang daan patungo sa swimming pool, nandun na naman daw ang salbahe kong amo.
Nakita ko si senyorito Russell, nakatayo sa gilid ng swimming pool, wala syang damit sa itaas na bahagi ng katawan nya.
Ang macho talaga ni senyorito Russell pero hindi ko dapat hangaan dahil bawal.
Napatigil ako nang nakita ko si Vivian na nakatago sa isang gilid. Nakatingin ito kay senyorito Russell at parang naglalaway pa ito.
"Hoy Vivian, ano ang ginagawa mo dyan?"
"Wag ka ngang magulo baka mahuli pa ako. Ang yummy talaga ni senyorito Russell. At mukha type nya ako kasi nahuli ko sya na nakatingin sa cleavage ko."
"May napili na ang pamilya ni senyorito Russell para maging asawa nya. Kaya hanggang tingin ka nalang."
Napataas ang kilay ni Vivian.
"Inggit ka lang, pangit ka kasi. Sa tingin ko may crush sa akin si senyorito. Kung bibigyan kami ng pagkakataon na mas makilala pa ang isa't- isa, baka mainlove na talaga sya sa akin. Pag nangyari yon at nagkatuluyan kaming dalawa, gagawin kitang mayordoma dito sa mansyon."
Hindi na ako nagkomento sa sinabi ni Vivian. Talagang nakakastress minsan ang kakapalan ng mukha nito. Tingin kasi nito lahat ng lalaki ay magkakagusto dito.
Humakbang ako muli para tuluyan makalapit kay senyorito Russell.
"Magandang umaga po senyorito, pinapatawag nyo daw po ako." magalang kong sambit.
"Bakit ang tagal mo?" halata ang pagkabanas nya. "Ayaw ko pa naman na pinahihintay ako."
Kaugali talaga nya ang lola nya. Kailangan kong mag- isip ng valid reason.
"Pasensya na senyorito, nasa palikuran kasi ako nung tinawag ako ni Vivian. Medyo natagalan ako kasi hirap akong ilabas yong ano--- basta alam mo na yong senyorito."
Napanganga sya sa sinabi ko.
Pasensya na! Iyan lang ang naisip kong valid reason. Baka matanggal na naman ako sa trabaho pag hindi valid yong reason ko.
Matalim ang titig nya sa akin kaya ang lakas ng kabang naramdaman ko. Parang may naghahabulan na mga daga sa loob ng dibdib ko.
"Samahan mo ako. Gusto kong maghiking." diretso nyang sambit na nagpanganga sa akin.
Ano raw? Gusto nyang samahan ko sya? Gusto nya akong kasama?
Kinilig tuloy ako.