Maya POV Slap! "B-bastos!" Nauutal kong pahayag sa aking kaharap na ngayon halata sa kanyang mukha ang pagka bigla sa aking binigay na sampal. Ngunit imbis na magalit ito saking ginawa ay napa ngiti pa sya nang malaki at nagawa pang himasin ang kanyang pisngi na wari'y bang unang beses pa lang nya naranasan ito. "You're real" Banggit pa nya, hindi ko tuloy mapigilan mapangiwi nang lantaran. sapagkat, nawala na ata ito sa katinuan. pinag buhatan ko man sya ng kamay ay hindi naman ito gaano kalakas. Sabagay nung una pa lang kakaiba na ang kanyang pinapakita at para sa akin hindi ito maganda. ang akala ko nga ay may malalim lang ang kanyang iniisip, pero hindi ko inaakala na hindi lang pala sya walang modo, kundi mapangahas din! "H-hey wait." Kanyang litanya, pero hindi ko sya sinuno

