Maya POV "Meron palang ganito sa isla malayha" Bulong ko saking sarili, habang taimtim lang nilibot saking paligid ang atensyon ko. Hanggang ngayon kasi ay namamangha pa rin ako, halos lahat na naandito ay naka kotse at katulad sa pwesto namin ni dok ay ganoon din sa kanila. Pero meron din ang iilan na nasa loob lang nang kanilang sasakyan habang nag hihintay rin sa kung anong tinitukoy na palabas daw sabi ni dok. "Nilalamig ka ba maya?" Pag kuha nang atensyon neto sakin. "Hindi naman po dok, ikaw po ba?" "No, I already have a jacket." Sabay pakita neto sa suot nya, nadala na siguro dun sa bangka kaya ito naka suot na sya. Nginitian ko lang naman ito at maya-maya pa ay biglang lumiwanag na sa harap namin at dun ko na napansin na meron nang laman ang malaking puti na sinabi ni do

