Maya POV "Ate maya!!" "Teh maya!!" "Ate maya!!" Nagagalak na tawag sakin nila totoy at hunyo habang may kasama pang pag kaway at pag talon. Hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa kabibuhang taglay nang mga ito, na kahit nasa gitna pa lang kami ng dagat ay rinig na ang kanilang boses. "Mukhang miss na miss kana nila maya." Anas nang aking katabi kaya agad akong napatingin dito. "Kahit ako rin naman mateo." Natapos na ang tatlong araw na pag bisita namin sa lungsod, kaya ito ay papauwi na sa isla bitwin. ngunit, hanggang ngayon ay parang naiwan pa rin ang aking isipan sa bayan dahil hindi pa rin maalis sa aking ala-ala ang kagandahang taglay neto na tiyak na marami akong mak-kwento kanila nanay. Isang mahigpit na yakap ang bumungad sakin nang tuluyan akong maka baba sa bangka. Agad

