Maya POV 2 linggo na ang naka kalipas at tuluyan nang bumalik sa normal ang buhay nang mga tao dito sa isla bitwin. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang aking pag tatanim sa bakuran kaso nga lang, tila napabayaan ko ito ng ilang araw kaya meron iiba na nalanta at natuyo. Hays, kung hindi lang sana ako laging tulala saking pag didilig at pag aalis nang mga dahon eh hindi sana magiging ganito. "Ang lalim ata nang iyong iniisip maya." Untag ng tao saking likudan. "Ikaw pala mateo" "May problema ba?" "W-wala naman" "Ganoon ba?" "Oo." Aking alibay, dahil kahit ano mang tanggi ko saking sarili na walang problema eh sa kailaliman nang aking kaloob-looban ay meron talaga. Mas mabuti na kasi ako na lang ang mag dala neto kaysa sa maka distorbo sa isip nang iba. "Ito oh." Abot ni mateo ng t

