Maya POV Tuluyan na akong naka uwi sa bahay pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mapakali ang aking isip. Maayos ko naman nahatid si dok sa kanilang camp, kaso simula nung nag kalas kami sa aming yakap eh hindi na nya ako kinausap. Kahit rin naman ako ay naguguluhan sa aking kinikilos, pero anong magagawa ko? Ayun lang kasi ang aking naisip upang damayan sya sa kanyang problema. Oo, ayaw namin ang isa't isa. ngunit, hindi naman siguro sapat yun upang hindi mag magandang loob dito. Kung tutuusin talaga ay parang mas bagay sa kanya ang pagiging masungit at mataray nya kaysa sa kanina. Ibang-iba kasi talaga kapag ang kilala mong matapang eh nakita mong mahina, tila talaga'y damang-dama mo ang kanilang problema, kaya ganun na ganun ang naramdaman ko kay dok. "Oh maya, asan ka nang galing

