Maya POV Makalipas ang dalawang araw at ito ay fiesta na sa isla bitwin. Halata sa mukha nang mga tao ang pagiging abala at masaya. Sadyang napaka kulay nang paligid ngayon. Na ang dating mga kulay berde na puno ay nahahaluan na nang iba't ibang kulay. May malakas rin na tugtog galing sa mga tambol. Naka katuwa nga pag masdan ang mga batang nakikiindak sa musika na kahit si hunyo na hindi pa magaling ang tuli ay nakikisayaw rin. "Maya, anak naka handa na ang mga sangkap na k-kailanganin mo sa kusina." "Maraming salamat po nay, ito na rin po pala yung tuyong pusit na pinabilad nyo po." Sabay maingat na abot ko dito at agad na rin pumasok sa bahay. Ngayon ko kasi u-umpisahan ang pag gawa ng sundot kulangot, gaya nang pinaplano ko. Mabuti na lang at mabilis kong naintindihan ang naka s

