Chapter 5: Mensahe

1405 Words
Candice POV "Are you really sure na yan talaga ang resulta?" "Yes ma'am, ang taong pinapahanap nyo po sakin ay nasama sa insidente." ********** "Penny for your thoughts, Doc?" "Ikaw pala yan merry." "Yes doc, mukhang malalim ang iniisip mo ah?" "Just a business matter, kumusta na nga pala ang pasyente?" Mabilis kong pag iiba sa topic, I am here at Lasora Hospital nang mapansin ako nang aking assistant nurse na malalim ang iniisip. She was right on her guess, pero hindi ko balak sabihin yun dahil may sarili rin problema ito. Tila naman napansin nya ang pag bago ko sa topic kaso hindi na sya nag usisa pa at tinuon na lang ang pansin sa hawak nyang book record. Kahit naman halata sa itsura ko ang aking pagiging haggard ay kaya ko pa rin gawin ang mga task ko, ngunit may pag kakaiba nga lang dahil wala akong gana makipag communicate sa mga pasyente. And that because I feel so devastated right now, lalo na't nalaman ko na ang resulta nang aking pinapa imbistiga nang isang taon. Hearing those result is making my heart cry, pero isinantabi ko muna ito dahil hindi ko naman balak na ipakita sa mundo na ako'y mahina. But it's kind a disappointing, I trust my instinct so much that she's alive, in fact na, nasubay-bayan ko kung paano ilibing nang maingat ang kabaong nya. And now this is my karma, breaking down in the middle of the noon, silently... "And that's all doc." Lingon ko, at saka ko lang na alala na tinanong ko pala ito. Hindi ko man lang namalayan na natulala na pala ako sa kawalan at hindi naramdaman ang prisensya nang kasama ko. "Ayos lang po ba talaga kayo doc?" "Huh? O-oh yes I am." "Naku doc, wag mo nang itago pa sakin, normal lang naman talaga yung ma home sick ka at mapatulala na lang, dahil miss mo ang mga mahal mo sa buhay." "Y-yeah, I'm sorry for being rude." Aking paumanhin na binigyan lang naman nya ako ng ngiti, mabuti na lang talaga at kabayan ko ang aking kaharap ngayon. Kaya naiintindihan nya ang kalagayan ko, kung sa iba lang kasi baka masabihan pa ako nang weird, but I don't mind anyway. Furthermore, may punto rin naman ang sinabi ni merry, miss ko na rin ang pilipinas, kung saan ako lumaki at nag simula ang mga alalang nakatago na lang saking isip at damdamin. "Sige doc, mauna na po muna ako sa inyo, duty ko na at kayo rin ay mag pahinga muna." "Alright, thank you again." Siguro nga mas magandang mag pahinga muna upang gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Naisipan ko tumambay sa rear garden nitong hospital, kung saan dito kadalasan pumupunta ang mga pasyente upang mag muni-muni at makasimoy rin ng natural air. Masagana rin kasi ang hangin dito hindi katulad sa pilipinas na puno ng pollution, maliban nga lang sa mga rural area. Nang ako’y makarating, sakto ay walang tao dito kaya malaya kong inupo ang aking sarili sa bench at agad ni lift pataas ang ulo upang hayaan ang hangin dumaplis saking mukha. Ginawa ko naman na lahat upang madistract ang aking sarili at makalimutan man lang saglit ang problema na ito, pero kahit gaano kapuno ang oras ko ay nakakaya pa rin nitong sumingit at ang mahirap ay natatabunan nya ang dapat kong gawain. "Doc, I think you need this." Agad ako napabaling sa nag salita at isang panyo ang tumambad sakin. "No, I'm fine" Nakangiti kong pag tanggi pero agad din nagulat nang wala itong pahintulot nilapat ang hawak nyang panyo sa aking pisngi. Oh great, candice. Baling ko saking isip nang aking ma realize na umiiyak na pala ako at may nakakita pa. Hindi naman agad ako nakakilos sa ginawa nya hanggang sa matapos ito ay patuloy lang ako nakatitig dito habang naka plastar ang ngiti sa kanyang labi. "I'm sorry if I do that, kabayan right?" Aking tango bilang respond at hinayaan lang syang umupo sa tabi ko. "Mukhang mabigat ata yung iniisip mo kabayan kaya napaiyak ka nito." "Just full of work that's why." "Ganoon ba?" Hindi ko mapigilan mapakunot ang noo nang tila'y nag dududa ito sa aking sinabi at parang nabasa naman nya iyon. "Ang akala ko kasi ay dahil pa sa ibang rason bukod sa trabaho, ayun kasi ang nababasa ko sa iyong mga mata ngayon doc." "You must be mistaken, pagod lang ito, I swear." "Ayaw ko mang makipag talo, pero doc, ni kailan hindi pa nag kamali ang instinct ko." Pag mamayabang nya, na sa akin ay nag pa ngiti, hindi kasi ito mukhang rude saking pandinig lalo na't nakangiti pa rin ito sa akin. Hmm, hindi naman din siguro masama na kumausap ng stranger. "Fine, you're right...there's someone who occupied my whole time." "And I want it to disappear, but there's also some part of me that I don't want too, because I'm afraid that I can't escape on this situation anymore." Aking dugtong habang nahihirapan lingunin sya, ayaw ko kasi sa lahat na may makakita na mahina ako, pero ngayon lantaran na ang aking emosyon kaya okay lang naman siguro na kahit ang pag iyak ko ay hindi nya makita. "Based on your reaction parang wala ka nang paraan upang maabot sya o malapitan pa, tama ba ako sa naiisip ko?" "Y-yes" "Mahirap nga yun, kaya normal lang talaga na maging malungkot ka sa ngayon...hindi mo rin naman siguro g-gustuhin na makita ka nyang okay sa panlabas pero deep inside wasak ka na, kahit kaluluwa na lang ito." Tahimik ko lang pinapakinggan ang payo nya and I think I'm glad na may napag kwentuhan ako about dito...you know it’s been three years na rin na sinet aside ko ito dahil nga sa ginawa kong pag i-investigate. Kaya ngayon sobra akong nahirapan ihandle ito nang maayos, para kasing malaking sampal sa pag mumukha ko ang aking nalaman, kaya kahit ang matagal ko rin napag planuhan kung dumating man ang araw na ito, ay wala rin epekto. Mga ilang oras pa tumagal ang pag uusap namin ni neil, his name. nang maisipan na namin bumalik, may gagawin pa kasi ito at pinayuhan sya na hindi nya dapat ito makaligtaan kaya tinulungan ko na rin syang makabalik sa room nya. "Maraming salamat doc, sana meron pang susunod." "Oo naman, ayun lang naman ang lugar na pinag tatambayan ko kaya hindi ako mahirap hagilapin." "Mabuti naman kung ganoon doc, sige po ingat kayo." Isang tango na lang ang binalik ko dito bago tuluyan nang umalis... ********* Kinabukasan, habang abala ako sa pag c-check nang aking book record, ay bigla akong nadistorbo nang isang tunog kaya agad ako napahinto at hindi na nag reklamo umalis sa aking pwesto. Sa isang emergency device kasi nang gagaling ang ingay at bilang ako lang ang vacant na doctor, ay agad ko nang pinuntahan ang room kung saan nang gagaling ito. "Doc, please tulungan nyo po sya." Agad na bungad sakin nang kasama nung pasyente pag pasok ko, nilapitan ko naman agad ang nakahiga na halata sa kanya ang pag hihingalo. Tila naman ay napansin nya rin ako kaya kahit nakikita sa mukha nya ang pag h-hirap ay nagawa pa nitong ngumiti sakin at mag bitaw ng salita. "I-ikaw pala yan d-doc, m-mukhang i-itinadhana talaga ako sayo ni lord ah." "What are you talking about? And please stop wasting your breath first." Umiling lang naman ito sa aking payo at ako'y napaigtad pa nang hawakan nya ang aking braso, napalingon tuloy ako sa kanya at nahinto saking ginagawa. "D-doc, h-handa naman na ako matagal na...b-but I'm glad na tinupad ni God ang last wish ko." Taimtim akong napatingin dito, at hinihintay ang susunod pa nyang sasabihin. "Y-yun ay i-ikaw ang huli kong makita u-upang m-maipaalam sa iyo n-na dadalhin ko sa langit ang mensahe mo at i-iaabot iyon sa taong m-mahal mo." Hindi ko mapigilan manlumo saking narinig, dahil na rin sa kabaitan nyang taglay na tila ba para sa kanya ay matagal na kaming mag kakilala at wala itong pag dadalawang isip na isama nya ako sa kanyang panalangin. Imbis na ipilit ang dapat kong gagawin ay nirespeto ko na lang ang nais nya, yun ay ilapit sa kanya ang kasama nito na kanyang kasintahan pala. Kahit hindi na bago sa aking paningin ang pag d-dalamhati nang mga tao na nakasubaybay sa pag kawala nang mahal nila, sa ngayon parang malakas ang impact nito saking damdamin, lalo na't klarong-klaro sakin ang huli halik nilang dalawa bago unti-unting napa bitaw ang kamay ni neil sa kanyang mahal... Taimtim naman na akong lumapit dito nang rinig na sa apat na sulok ang matinis na tunog na nang gagaling sa EKG machine. "T-time death, 01:35 am" Hindi ko mapigilan utal na pahayag habang napatingin sa mukha nito na may ngiti pa rin sa labi. Masaya ka rin ba noong araw na umalis ka nerdy?...   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD