Kim POV Hindi naman na umangal si papa sa kagustuhan ni nanay na sumama samin pabalik sa manila. Kaya imbis na kaming apat lang ang babalik eh na dagdagan pa kami ng tatlo. Halata naman sa dalawang bata na excited sila na makakarating sa isla malayha. Kaya kahit papaano hindi nag hari-harian saming paligid ang awkward atmosphere. "Ate maya, saan po tayo pupunta?" Tanong ni totoy habang pinaglalaruan neto ang tubig. "Sa bahay namin totoy" "Talaga po?? Nandun na rin po ba si ate candice?" Singit naman ni hunyo, subalit isang malungkot na ngiti lang ang minutawi ko dito. Para naman naintindihan nya ang aking reaksyon kaya tumango na lang sya. Naisipan ko naman tignan ang aking nasa gilid. Masaya naman nag k-kwentuhan ang mga toh na kung si tatay si papa ang kausap at si nanay naman

