Maya POV Tanging ang likod na lang nya ang aking nasilayan. Hindi ko na ito masyadong pinilit pa dahil, parang ayaw nya talaga. Kaso, bakit? Sa pagkaka alam ko kasi ay gusto ako neto maging kaibigan, at nasasabik na ako'y kausapin. pero ngayong inaalok ko sya mag tanghalian, eh madali nya lang itong na tanggihan. Wala sa oras, ako'y napa buntong hininga na lamang. Siguro nga ay may kailangan itong gawin kaya ganun na lang sya makipag usap sa akin. Naisipan ko na lang puntahan si tatay at ayain na ito. Hindi ba dapat masaya ako kasi hindi nya tinanggap ang aming alok? Pero bakit parang nakaka konsensya? Dahil ba iyon sa mga titig nya kanina? na kahit sya na ang may sabi na ayos lang ito. kaso, pag dating sa kanyang mata ay hindi naman ganun ang pinapahiwatig. "Maya, iha. Ikaw ba iyan?"

