Kabanata 59 Thy Heart Halos hindi ko magawang huminga sa tanong niya at nalaman. Kelan niya nalaman? Sinong may sabi? Pinilit kong lumunok. Nakatitig siya sa akin na parang may hinahanap sa mukha ko. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mukha ko. "Akala mo madali para sa akin ang malaman iyon?" aniya. Hindi ko magawang magsalita. "Umuwi ako agad nang malaman iyon. Pinauwi ako agad ni Mommy. At alam mo ang masakit pa doon? Sa ibang tao ko pa nalaman at hindi sa iyo. Hanggang kailan mo ililihim sa akin iyon?" sobrang kalmado ng boses niya na hindi ko matamo kung galit ba siya, galit na galit o nagpipigil lang. "Pilit kong ginigising ang sarili ko. Kung babalik ako, dadating pa din tayo sa puntong magpapaapekto ka naman. Hindi mo alam kung ilang beses kong hiniling ng sana mahirap nalang ak

