Note: Sa mga nagtatanong kung si Stephen ba sa The Wanted at yung Stephen dito ay iisa, yes po. Iisa po. :) Ito po yung Stephen na kaibigan ni Lucas. - Pain. Kabanata 11 Tampo Hinihingal ako. Kakatapos lang naming mag-ehersisyo. Nandito ako sa tabi ng bleachers nakatayo. Sabi nila, hindi daw tamang uupo ka kaagad kapag galing takbuhan ka. So ito ang ginagawa ko. Malalalim ang mga hiningang binibitiwan ko dahil sa pagod. Nilibot namin ang gym ng sampong beses. Halos manuyo na ang buong katawan ko. Ramdam ko pang parang water faucet na umaagos ang pawis ko. Inilibot ko ang paningin. Nasaan ba si Joreen? Saan na naman yun pumunta? Iniwan na naman niya ako? Nagsisimula na akong magtanim ng galit kay Francis. Simula nang makilala niya si Francis, lage na lang niya akong iniiwan. Ayok

