Kabanata 53 Maria && Lucas Dahan-dahan kong kinakapa si Stephen ngunit napakunot ang noo ko ng maramdamang walang tao sa tabi ko. Napadilat ako agad at napaupo sa higaan. Panaginip lang ba ang lahat ng iyon kagabi? Hindi, diba? Tiningnan ko ang damit ko, kanya ito. Pati ang higaan, kanya ito. Hindi ako nanaginip. Pero nasaan siya? Napatingin ako sa orasan sa gilid ng higaan niya, 8:32? Damn it! Late na ako sa trabaho. Nagmamadali akong bumaba at pinahiran ang mata at mukha pati na din gilid ng labi ko. Nasaan ba si Stephen? Bakit di niya ako ginising? Napatigas ako sa tinatayuan ko nang makarinig ako ng tawa ng babae sa labas. s**t. May tao!! Huminga muna ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ang pinto ng kwarto ni Stephen. Sinunod ko ang mga tawa. May lalaking tumatawa din at muk

