Kabanata 38 Gusto kong ipaabot kay Stephen kung gaano ko siya tunay na minamahal. Kaya pumayag ako sa gusto nitong sa kanila ako magbabagong taon. Maaga kaming umalis at hinatid kami nila Mama at Papa kanina. Masaya ang magulang ko sa akin at sa amin ni Stephen. Mas naging close si Papa at Stephen at hindi ko alam kung anu-ano ang pinag-uusapan nila kapag silang dalawa lang. Marami ding sinabi si Mama sa akin. Katulad ng huwag ko raw ibigay ang lahat-lahat ko dito. Tama naman siya at isa pa, alam ko naman ang limitasyon namin ni Stephen at ganun din siya. Napahikab akong makitang nasa Puerto Plaza na kami. Which means, nakatapak na ulit kami ng Cagayan de Oro. Pagod na pagod si Stephen dito sa tabi ko. Sinulit namin ang natitirang araw namin kahapon. Ipinakita ko sa kanya ang kaluwaga

