Kabanata 35 Hahalikan Halos manluha ang mata ko sa sinabi nito kina Papa at Mama. Hindi ko mapigilang ikuyom ang aking mga palad sa gulat at inis. What the hell Stephen? "Aba'y magandang umaga naman sa iyo, iho. Ako nga pala ang ina nitong Cheska, tawagin mo nalang ako na Mama Marencia o Mama nalang at ang aking pinakamahahal na asawang si Leornido." Nalaglag ang panga ko sa sobrang bait ng boses ni Mama. "Papa nalang din. Ikaw pala si Stephen. Ilang beses na wrong send ang anak ko sa akin." What? "Akala namin, tibo ang anak namin eh. Kaya masaya kaming malaman na may nanliligaw pala dito, basta ba unahin niyo muna ang pag-aaral niyo ha? Iyan lang kasi ang maipapamana namin sa inyo." Pwede bang lumipad nalang ako at magtago? Nakakahiya! "At syempre, huwag kayong magmadali." "Opo, S

