Kabanata 29 Falling Nagising akong nasa bisig ni Stephen. Nakahiga kami pareho at nakayakap pala ako dito at nakayakap din siya sa akin. Napalunok ako. To hell with me. Tiningnan ko ang relo sa kamay ni Stephen at nakitang sampung minuto lagpas alas sinco na ng umaga. Gosh! "Stephen.." bulong ko. Hindi ako makaalis sa bisig niya. "Stephen..." ulit ko at niyuyugyog siya ng konti. "Hmmm?" gising na siya. "Umaga na." bulong ko. Biglang umihip ang malakas na hangin. Napasiksik ako sa kanya. "5 minutes." inaantok niyang sabi. "Stephen." I warned him. Kumalas siya at iniangat ang katawan. Napaangat din ako sa ginawa niya. "Sorry. Nakatulog ako." sabi ko agad dito. Nakita ko si Lucas. Nakatulog sa kabilang bench at may mga bote ng alak na nakalatag sa baba niya. Biglang uminit ang

