E p i l o g u e Lourd Stephen Villacier Palihim akong napangiti nang pagmasdan ko ang mukha niyang natutulog. Kaya kong isuko kung anong meron ako para lang sa kanya. Kaya kong bumaba para maabot ko siya. X X X "Villacier. Pakiayos nga ng files na ito. May mga bago tayong aplikante.. Limang babae. Dalawang second year at tatlong transferees." Hinawakan ko ang files na sabi ni Coach. May mga bagong manlalaro. Mabuti nalang at mga babae dahil wala ng slot para sa mga lalaki. Sinimulan kong ayusin ang files at pinagsunod-sunod ko sila base sa kanilang apilyedo. May isang papel ang naiba sa lahat. Kinuha ko ito at tiningnan. Nakuha ng picture niya ang atensyon ko. Sa kanilang lima, siya lang ang hindi nakangiti. Chezalle Annicka Quintosse Nice name. 19 years old tapos first year college

