R A I N Alas tres na ng madaling araw nang magising ako. Sa hindi malaman na dahilan ay biglang sumikip sa pakiramdam ang bendang nakatali sa sugat ko. Mahapdi rin ito na bahagyang nangangati. Hindi ko sana papansinin ngunit hindi ako makabalik sa pagtulog dahil sa mga nararamdaman ko. This left me no choice but to stand up and grab the medicine box that we suddenly have. Wala naman kasing medicine box sa dorm namin, nagkaroon lang dahil may sugat ako. Apparently, Korina asked for it for me. Anyway, I went inside the restroom. Tinanggal ko ang benda, tapos ay tumambad sa akin ang nangingitim nang sugat na may konti nana sa gitna. It's so gross. Buti na lang at hindi na ako artista dahil baka nabingi na ako sa sermon ng manager ko. Nagsinungaling ako ng konti kay Ethan. Pagaling na nga i

